Idyoma

MGA IDYOMA

Maraming mga bagong idyoma ang nabuo at ginagamit dahil sa mga karanasang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika. Halimbawa, ang bagong bayani ay idyomang naglalarawan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Bagong bayani ang itinawag sa mga migranteng manggagawa danil inihahalintulad nila sa mga bayaning nagligtas sa bayan. Malaki ang kontribusyon nila sa patuloy na pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Tulad ng mga bayani, nagsakripisyo sila para sa kanilang bayan at pamilya isa pang halimbawa ang salitang endo. Ito ay pinaikling end of contract na tumutukoy sa mga manggagawang natapos na ang kontrata at wala nang trabaho sinagamit ang salitang ito upang ilarawan ang kalagayan ng mga manggagawang kontraktuwal na dahil kontraktuwal sila, wala silang separation pay o kahit na anong benepisyong makukuna mula sa kompanyang pinagtrabanunan nila.

Mga halimbawa ng idyoma:
1. alilang kanin - kasambahay na walang suweldo basta pinapakain lang
2. binuhusan ng malamig na tubig - napahiya
3 bungang-tulog - panaginip
4. butas ang bulsa - walang pera
5. buawaya sa katihan - mga politikong tiwali
6. durog ang puso - hirap na hirap ang kalooban, bigo, napakalungkot
7. lumalaki ang ulo - nagiging mayabang
8. maaliwalas ang mukha - masaya
9. madilim ang mukha - nakasimangot, may problema
10. magaan ang kamay - madaling manakit ng kapuwad
11. mahapdi ang sikmura - nagugutom
12. makapal ang mukha - hindi marunong mahiya
13. makati ang paa - mahilig sa pamamasyal
14. malalim ang bulsa - maraming pera
15. malamig ang kamay - madaling makabuhay ng mga halaman 
16. malayo ang tingin - malalim ang iniisip
17. matigas ang puso - ayaw magpatawad
18. may gintong kutsara sa bibig - masuwerte 
19. may nunal sa talampakan - hindi mapirmi sa bahay
20. mukhang Biyernes Santo - malungkot na malungkot
21. nagbibilang ng poste - walang trabaho
22. nagbibuhat ng sariling bangko - nagyayabang
23. nagkrus ang landas - nagkatagpo pagkatapos ng mahabang panahon 
24. panis ang laway - hindi nag sasalita
25. sanga- sanga ang dila - tsimosa

Popular posts from this blog

Simposyum

Si Ahura Mazda at Ahriman