Simposyum
Ang Simposyum Mahalagang bahagi ng kulturang Griyego noong ika-7 siglo BCE ang simposyum. Ito ay isang pagtitipong ginagawa sa mga bahay. Nagsama-sama ang mga lalaking Griyego upang kumain, mag-awitan, at magkwentuhan. Nag-uusap sila ng tungkol sa pilosopoya, politika, panitikan, at mga araw-araw na nangyayari sa kanilang lipunan. Nakikinabang nang husto sa simposyum ang mga Griyegong kabilang sa mataas na uri ng lipunan. Pinagtitibay nito ang yaman at pagkakaisa ng mayayaman. Mga lalaki lamang ang puwedeng lumahok sa mga simposyum. Ang mga babaeng pinapayagan lamang makapasok ay may kasanayan sa musika ( lalo na ang mga marunong sa paggamit ng plawta), sayaw, gymnastics, at may alam din tungkol sa high culture. Sa kasalukuyang panahon, ang impormasyun ay isang pagtitipon kung saan nagsasama-sama ang mga iskor at dalubhasa ng isang partikular na larang upang maglahad ng resulta ng kanilang pananaliksik, magtalakayan, o magrekomada ng isang pagkilos. Pagkatapos ng simporyum, inaas...