Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento ay isang akdang kayang tapusing basahin sa isang upuan lamang. Ito ay maikli, binubuo ng kaunting mga tauhan, may isang pangyayari at may isang kakintalan ( single impression). Ang maikling kuwento ay isa sa mga pinakamatandang anyo ng panitikan na unang lumitaw bilang mga alamat, kuwentong kababalaghan, pabula at anekdota.

MGA PANGUNAHING SANGKOP NG MODERNONG MAIKLING KUWENTO: 
1. Tauhan - sila ang mga pangunahing gumaganap sa kuwento tulad ng bida at kontrabida.
2. Pananaw o Punto de Bista - tumutukoy ito sa kamalayang dinadaluyan ng kuwento.
3. Banghay - ito ang mga nangyayari sa simula, gitna, at wakas ng kuwento. 
4. Tunggalian - tumutukoy ito sa problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan sa kailangan niyang maharapan ng solusyon. Ito ang nagtutulak upang sumulong ang kuwento. 
5. Tagpuan - tumutukoy ito sa lugar at panahon na pinangyayarihan ng kuwento. Maaaring ito ay sa nakaraan, sa kasalukuyan, o sa hinaharap, o sa daigdig, sa ibang planetta, o sa panaginip.
6. Tema - ito ang pangkalahatang punto, ideya, o pananaw- daigidig ( world view) ng kuwento.

Popular posts from this blog

Si Ahura Mazda at Ahriman

Simposyum

Idyoma