Si Ahura Mazda at Ahriman
Si Ahura Mazda at Ahriman: Ang pag likha ng Daigdig Ayon sa Zoroastrian (Isinalin ni Rowena P. Festin ) Sa simula ay sina Ahura Mazda, ang Matalinong Diyos, na naninirahan sa Walang Hanggang Liwanag, at ang masamang espiritung si Ahriman na nakatira naman sa Ganap na Kadiliman At ang kawalan sa pagitan ng dalawang daigdig na ito. Isang araw ay nagdesisyon si Ahura Mazda na lumikha. Una niyang nilikha ang langit mula sa metal na maningning at maliwanag. Pangalawa ay ang malinis at purong tubig. Pangatlo ang lupang patag at bilog, walang mga bundok at lambak. Pang-apat naman ang mga halamang walang tinik na dinidiligan ng hamog. At panlima ang malalaki at maliliit na hayop. Pagkatapos ng mga ito ay nilikha niya ang unang tao na pinangalanan niyang Gayomard. Apoy ang huli niyang nilikha. Inutusan ni Ahura Mazda ang apoy na paglingkuran ang tao sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain at pagpapaalis sa ginaw. Sumilip mula sa kaniyang madilim na daigdig si Ahriman. Tinawag siya ni Ahura...