Posts

Creative Nonfiction

Image

Parabula

Image

Suliranin at Kaligiran nito

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO A. Panimulang Introduksiyon (Isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik) B. Paglalahad ng suliranin (Pagbuo ng tanong ng pananaliksik) C. Layunin ng pag-aaral (Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy dito ang mga ispepikong suliranin na nasa anyong Patanong) D. Kahalagahan ng pag-aaral (Inilalahad ang significance ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakipakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba't ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyin, disiplina o larangan. E. Depisniyon ng mga terminolohiya (Itinala ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa'y binibigyan kahulugan) 2 PARAAN SA PAGBIBIGAY NG DEPENISYON Konseptwal - ito ay paraan ng pagbibigay ng depinisyon na may sanggunian na naghahayag kung saan kinuha ang kahulugan  Operasyunal - sarilin...

Simposyum

Ang Simposyum Mahalagang bahagi ng kulturang Griyego noong ika-7 siglo BCE ang simposyum. Ito ay isang pagtitipong ginagawa sa mga bahay. Nagsama-sama ang mga lalaking Griyego upang kumain, mag-awitan, at magkwentuhan. Nag-uusap sila ng tungkol sa pilosopoya, politika, panitikan, at mga araw-araw na nangyayari sa kanilang lipunan. Nakikinabang nang husto sa simposyum ang mga Griyegong kabilang sa mataas na uri ng lipunan. Pinagtitibay nito ang yaman at pagkakaisa ng mayayaman. Mga lalaki lamang ang puwedeng lumahok sa mga simposyum. Ang mga babaeng pinapayagan lamang makapasok ay may kasanayan sa musika ( lalo na ang mga marunong sa paggamit ng plawta), sayaw, gymnastics, at may alam din tungkol sa high culture.  Sa kasalukuyang panahon, ang impormasyun ay isang pagtitipon kung saan nagsasama-sama ang mga iskor at dalubhasa ng isang partikular na larang upang maglahad ng resulta ng kanilang pananaliksik, magtalakayan, o magrekomada ng isang pagkilos. Pagkatapos ng simporyum, inaas...

Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento  ay isang akdang kayang tapusing basahin sa isang upuan lamang. Ito ay maikli, binubuo ng kaunting mga tauhan, may isang pangyayari at may isang kakintalan ( single impression). Ang maikling kuwento ay isa sa mga pinakamatandang anyo ng panitikan na unang lumitaw bilang mga alamat, kuwentong kababalaghan, pabula at anekdota. MGA PANGUNAHING SANGKOP NG MODERNONG MAIKLING KUWENTO:  1.  Tauhan - sila ang mga pangunahing gumaganap sa kuwento tulad ng bida at kontrabida. 2. Pananaw o Punto de Bista - tumutukoy ito sa kamalayang dinadaluyan ng kuwento. 3.  Banghay - ito ang mga nangyayari sa simula, gitna, at wakas ng kuwento.  4. Tunggalian - tumutukoy ito sa problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan sa kailangan niyang maharapan ng solusyon. Ito ang nagtutulak upang sumulong ang kuwento.  5.  Tagpuan - tumutukoy ito sa lugar at panahon na pinangyayarihan ng kuwento. Maaaring ito ay sa nakaraan, sa kasalukuyan, o sa hinaharap, o sa d...

Idyoma

MGA IDYOMA Maraming mga bagong idyoma ang nabuo at ginagamit dahil sa mga karanasang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika. Halimbawa, ang bagong bayani ay idyomang naglalarawan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Bagong bayani ang itinawag sa mga migranteng manggagawa danil inihahalintulad nila sa mga bayaning nagligtas sa bayan. Malaki ang kontribusyon nila sa patuloy na pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Tulad ng mga bayani, nagsakripisyo sila para sa kanilang bayan at pamilya isa pang halimbawa ang salitang endo. Ito ay pinaikling end of contract na tumutukoy sa mga manggagawang natapos na ang kontrata at wala nang trabaho sinagamit ang salitang ito upang ilarawan ang kalagayan ng mga manggagawang kontraktuwal na dahil kontraktuwal sila, wala silang separation pay o kahit na anong benepisyong makukuna mula sa kompanyang pinagtrabanunan nila. Mga halimbawa ng idyoma: 1. alilang kanin - kasambahay na walang suweldo basta pinapakain lang 2. binuhusan ng malamig na tubig...